MENU

Mahigit 300 residente ng Calasiao, Pangasinan, ang inilikas ng Philippine Coast GuardΒ (PCG) sa kasagsagan ng ulan at baha dulot ng nagpapatuloy na sama ng panahon.

Kahapon, ika-23 ng Hulyo 2025, dahan-dahang inilikas ng mga PCG rescuers ang isang bed-ridden senior citizen dahil sa abot-hitang baha sa kanilang lugar.

Makikita rin sa mga videong ito ang paglabas ng isang kabataan sa bintana ng kanilang tahanan dahil sa taas ng baha.

Mayroon din isang may sakit na ginang na maingat na inilikas ng mga PCG rescuers, habang nakaupo sa isang plastic monobloc.

Inihatid sila sa evacuation center na matatagpuan sa Poblacion West.

Ngayong araw, ika-24 ng Hulyo 2025, tuluy-tuloy ang koordinasyon ng PCG sa lokal na pamahalaan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang agad na makapagbigay-tulong sa mga residente.

https://www.facebook.com/share/v/1BkCdUvXip/

Β 

Most Read