MENU

Nagtulung-tulong ang mga otoridad upang mailikas ang ilang residente ng Barangay Balete, Mamburao, Occidental Mindoro, sa kasagsagan ng ulan at baha kahapon, ika-23 ng Hulyo 2025.

Gamit ang isang rescue boat, maingat na sumagwan ang mga rescuers upang marating ang nasabing barangay at maisakay ang 13 residente, kabilang ang dalawang senior citizens.

Inihatid sila sa designated evacuation center upang makatanggap ng karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan.

https://www.facebook.com/share/p/1CT847ZCzu/

Β 

Most Read