Habang ang karamihan sa atin ngayon ay naghahanap ng masisilungan, ang mga mekaniko ng Coast Guard Motorpool (CG MTPL) ay nananatiling dedikado sa kanilang tungkulin. Tinatahak ang baha at hindi alintana ang masamang panahon upang matiyak na ligtas, maayos, at handa sa serbisyo ang bawat sasakyan ng ating Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng “Libreng Sakay” at iba pang misyon na kinabibilangan nito.
Sa panahon ng bagyo, ang mga sasakyang sumusuong sa baha ay mas madaling masira. Ngunit ang ating mga mekaniko ay laging alerto, mabilis na kumikilos upang kumpunihin at ibalik sa serbisyo ang mga sasakyang mahalaga sa misyon.
Madalas mang hindi napapansin, ngunit tuluy-tuloy lang ang ating mga drayber at mekaniko sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin. Sila ang mga bayani sa likod ng bawat matagumpay na land operations at buong giting namin silang ipinagmamalaki.
https://www.facebook.com/watch/?v=1467686890913905&rdid=D6ICLwf9aaSS9093