MENU

Sinagip ng mga otoridad ang dalawang mangingisda na na-stranded matapos sumadsad ang kanilang bangka sa Tayamaan River na matatagpuan sa Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro, noong Miyerkules ng gabi, ika-23 ng Hulyo 2025.

Ayon sa Coast Guard District Southern TagalogΒ (CGDSTL), isang unmanned rubber boat na kinabitan ng lubid ang ginamit ng joint rescue team dahil sa malalakas na alon sa kasagsagan ng rescue operation.

Bandang 2AM ng Huwebes, ika-24 ng Hulyo 2025, nang ligtas na makarating sa baybayin ang dalawang mangingisda.

Dinala sila sa Occidental Mindoro Provincial Hospital para sa karagdagang tulong-medikal.

https://www.facebook.com/share/p/1HvyajtUQ5/

Β 

Most Read